IKOT

Ohh pagbibigyan kita
Pagbibigyan kita
Kasi alam ko nang hindi na 'to possible
At hindi ko na rin 'to sa 'yo itatanggi
Kaya 'wag na ngang ulitin pa
'Di na sasaya sa paligid mo itigil na
Kasi 'yoko nang mapahiya
Ako lang tumataya
'Wag na natin pahirapan pa

Ako lang, ako lang
Tumaya sa pag-ibig mo
'Di alam, 'di alam
Kung ba't ba tayo nagkaganito
Kasi alam ko nang hindi na 'to possible
Kahit na ilang beses mo pang tinatanggi
Pinahirapan mo, hiningi ang impossible
Isinantabi na tila ba walang silbi

Dahil sayo ako'y paikot-ikot
Mga daanan na hindi malimot
Kabisado man mga pasikot-sikot
Naligaw sa puso mong makipot

Pagbibigyan kita (pagbibigyan kita)
Pagbibigyan mo, 'di ba't 'yan ang sabi mo
Mga salitang nagpapaikot, ako'y nililito
Pagbibigyan mo, ano ba ang gusto mo? Woah
Hindi makahinga
Tila nakasakal sa bagong mga pahina
Takot mapahiya kahit 'di sinasadya

Dahil sa 'yo ako'y paikot-ikot
Mga daanan na hindi malimot
Kabisado man mga pasikot-sikot
Naligaw sa puso mong makipot

Dahil sa 'yo ako'y paikot-ikot
Mga daanan na hindi malimot
Kabisado man mga pasikot-sikot
Hindi na nagising sa bangungot

Dahil sa 'yo ako'y paikot-ikot
Mga daanan na hindi malimot
Kabisado man mga pasikot-sikot
Naligaw sa puso mong makipot

Dahil sa 'yo ako'y paikot-ikot
Mga daanan na hindi malimot
Kabisado man mga pasikot-sikot
Hindi na nagising sa bangungot



Credits
Writer(s): Jordan Gregori, Shimei Pangan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link