langit

Mali bang hanap-hanapin
Ang iyong piling?
Lang talab
Anong balakid
Sa iyong lambing

Mali bang ituring langit
Ang yong pagtingin?
Nais kong, ako'y iyong damhin

Kahit anumang pigil di ko mabatid
Tatanggi pa ba sa bigay ng daigdig?
Anumang, Anumang ihip ng hangin
Balakid,'la na yan sakin
Sa tamis ng ngiti'y papalarin
Sa tamis ng ngiti'y nahumaling

Asan ka na?
Magkikita ba muli
Nakaantabay
Di ko na matiis
Batubalani
Mundo ko'y papalapit
Sakaling Ika'y sumaglit

Mali bang hanap-hanapin
Ang iyong piling?
Lang talab
Anong balakid
Sa iyong lambing

Mali bang ituring langit
Ang yong pagtingin?
Nais kong, ako'y iyong damhin

Sana'y wag

Ka nang maghanap ng iba
Sa lahat
Ng saglit
Nais kang kasama

Parang nasa alapaap, pag ikaw ay katabi
Lumangoy sa agos ng pag-ibig ko at damdamin
Kaw ang nasa isip, Panaginip ko tuwing gabi
Sana'y mahagip ka na, at wag na akong bitinin

Asan ka na?
Magkikita ba muli
Nakaantabay
Di ko na matiis
Batubalani
Mundo ko'y papalapit
Sakaling Ika'y sumaglit

Mali bang hanap-hanapin
Ang iyong piling?
Lang talab

Anong balakid
Sa iyong lambing

Mali bang ituring langit
Ang yong pagtingin?
Nais kong, ako'y iyong damhin

Sana'y wag
Ka nang maghanap ng iba
Sa lahat
Ng saglit
Nais kang kasama

Parang nasa alapaap
Pag ikaw ay katabi



Credits
Writer(s): Lance Bermejo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link