Kaluwalhatian

Para sa'kin ang mga
Pagtitiis namin sa kasalukuyan
Ay di maihahambing sa

Kaluwalhatiang maihahayag
Samin balang araw
Oh Panginoon, Ikaw ay magbabalik

Kami ay naghihintay Sa'yo lang nagtitiwala
Ang tanging pag-asa ay Sa'yo lang natatagpuan

Pinili, tinawag, pinatawad na ako
Sa lahat ng mga bagay ay gumagawa ang Diyos

Kami'y binahaginan ng Iyong kaluwalhatian
Kay Kristo ay naligtas

Ang mabuting gawang pinasimulan
Tatapusin ng ating Diyos

Mga kasalanan ating talikuran
At naisin ang ating Diyos

Writer(s) RM Rodriguez



Credits
Writer(s): Rm Rodriguez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link