Christmas Party

Tuwing Disyembre'y darating
Puso ay nasasabik
Sa pagkikitang muli natin
Kung saan maraming nakahaing
Handang pagsasaluhan, tara't sumama
Excited ka na ba?

Wala naman akong ibang hihilingin kundi
Ang ma-kumpleto ang buong pamilya
Ngayong Kapaskuhan

Puno ng saya ang aking nadarama
Kapag kapiling kayo
Ang tunay na diwa ng Pasko
Walang hihigit na mamahaling regalo
Basta't lahat narito, sama-sama tayo
Magcelebrate ng Pasko

Ngayon, Disyembre'y parating
Laman ng panalangin
Tayo'y magtipon muli, my family
Kung saan may ilaw at may tinig
Humuhuni ng himig, kanta ni Jose Mari
Ready na kami!

Wala naman akong ibang hihilingin kundi
Ang ma-kumpleto ang buong pamilya
Ngayong Kapaskuhan

Puno ng saya ang aking nadarama
Kapag kapiling kayo
Ang tunay na diwa ng Pasko
Walang hihigit na mamahaling regalo
Basta't lahat narito, sama-sama tayo
Magcelebrate ng Pasko

Magcelebrate ng Pasko



Credits
Writer(s): Miguel Luis Llado, Nico Miña
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link