bihag

'Di ko na mahinto ang pagtingin sa'yo
'Di ka man lumilingon
'Yokong magpakatanga kung para lang sa iba
Gusto ko nang sabihan na

Naliligaw, natutukso
Nahuhulog na 'ko sa iyo
Hindi mo ba napapansin
Kailangan ko pa bang sambitin
Na ngayon nabihag na

Ang puso ko sa'yo, tumatakbo
Ang oras ko nang kay bilis kapag
Wala ka sa tabi, humihiling
Ngayon na sana ako'y gusto mo rin

Gusto mo rin
Gusto mo rin
Sana ako'y gusto mo rin

Wala kang kapaguran tumakbo sa'king isipan
Ayaw ko rin namang tumigil ka
Ngunit 'di ko nga man lang alam kung pwede ka pa
May may-ari na bang iba

Nalulumbay, nalulunod
Ang utak ko sa kakaisip
Kung may pag-asa ang tulad ko
Maging parte ng iyong mundo
At ngayo'y nabihag na

Ang puso ko sa'yo, tumatakbo
Ang oras ko nang kay bilis kapag
Wala ka sa tabi, humihiling
Ngayon na sana ako'y gusto mo rin

Gusto mo rin
Gusto mo rin
Sana ako'y gusto mo rin
Gusto mo rin
Gusto mo rin
(Sana ako'y gusto mo)

Hindi ko maiwasang hindi ka titigan
Tuwing may pagkakataon, sa'yo lang sisilay
Pero 'di ko maipinta ano bang meron ka
At bakit tila ako ngayo'y tangang-tanga sa'yo

'Di ko na mahinto ang pagtingin sa'yo
Dahil ako ay isang bihag mo

Dalhin mo 'ko sa iyong mundo
Ako ay bihag na nagmamahal
Sa'yo, at sa pagsibol ng bawat araw
Hiling ko'y sana ako'y gusto mo rin

Gusto mo rin
Gusto mo rin
Sana ako'y gusto mo rin
Gusto mo rin
Gusto mo rin
Sana ako'y gusto mo rin



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link