Daan Niya'y Mabuti

Kapag ako'y naguguluhan
'Di alam ang pupuntahan
Puno ng kalungkutan
Puso kong nalulumbay
Kapag ako'y nahihirapan
Sa unos na dumaraan
Iisa lang ang kasagutan
Diyos ang may hawak

Daan Niya'y mabuti
Daan Niya'y mabuti
'Di ko man maunawaan
Ang Kanyang kalooban
Daan Niya'y mabuti
Daan Niya'y mabuti
Ito ang buhay ko
O Diyos gamitin Mo
Ang kalooban Mo'y
Higit sa lahat

Pagsubok man ay dumating
Puso ay nag-aalala
Tila 'di ko kaya
Pasaning kaybigat
Kaligayaha'y nawala na
Mula sa puso ko
Iisa lang ang kasagutan
Diyos ang may hawak



Credits
Writer(s): Sam Borja
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link