Kabataang Pinoy

Narito sa'Yong harapan
Nais na ipaalam
Ang laman ng aking puso
Ay Iyong pangalan
Iisa ang aking hangarin
At laman ng damdamin
Ang Ikaw ay aking ibigin
Sa lahat ng gagawin
Sumigaw
Sumayaw
Katawa'y igalaw
Awitin ng sabay-sabay
Narito ako
Kasama Mo
Panginoon ko

Dahil pinoy ako
'Sang kabataan
Na haharap sa kinabukasan
Na may Kristo
Sa puso ko
Ikaw ako
Sama-sama tayo
Sa pagbabago
Sa pagbabago
Ng mundong ito

Sa'Yo ako Panginoon
Mula ngayon at
Sa habang panahon



Credits
Writer(s): Sam Borja
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link