nanginginig

Okay, recording... uh

Pasko nanaman
Eto nanaman tayo
Hihiling nanaman
Tapos walang magbabago

Ilang beses akong sumulat ng liham
Para hiling ko'y makamtan
Kaso, ni-isang araw
Hiling na yo'y wala naman

Diko ba alam
Bakit hiling ko'y puro ikaw
Mga paskong pailaw
Sana kasama kita sa pagtanaw

Kung may yelo lang dito
Baka di ako lamigin
Kung tayo'y ating sinubukan
Pero wala eh

Ngayong pasko ako ay nilalamig
Kahit lumiliyab na 50 degrees
Ngayong pasko ako ay nanginginig
Kahit ako ay sobrang namamawis

Yeah, ok

Santa claus, inis ka na ba?
Sa paulit-ulit kong mga salita?
Pasensya na im so stubborn
Di kasi ako nagpapahinga

Tumatakbo at naghahabol
Kahit hingal na sobra
Lahat ay mas nagiging masahol
Pero tuloy sa pag-asa

Siya lang naman sapat na
Mahirap ba 'yon i-unawa
Gusto ko yung yakap niya
Sobrang higpit, wala nang hininga

Baka ako'y nasa naughty list
Grabe, di ko na matiis
Kailangan ko lang naman siya
Bakit kasi nasa iba?

Ngayong pasko ako ay nilalamig
Kahit lumiliyab na 50 degrees
Ngayong pasko ako ay nanginginig
Kahit ako ay sobrang namamawis

Ngayong pasko wala ang aking nais
Wala ata sa budget ni saint nick
Ngayong pasko hindi ako mawais
Punong puno na ng hinanakit

Hindi ako marunong lumugar e
Gusto ko kasi na nasa tabi mo
'di nga ako makatulog kagabe
Puro— puro ikaw lang kasi nasa isip ko

Ewan ko ba, bakit ako ganto
Sabi ng mga kaibigan ko 'di ka naman daw magwapo
Malabo lang mata ng mga yun
Parang pagiging tayo, malabo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link