Titiisin, Mamahalin

Mahal na mahal kita
Walang araw na hindi kita namimiss
Minu-minuto, oras-oras, ikaw ang nasa isip
Ang iyong lambing, nakakaadik mong ngiti

Ooh, oh oh oh oh oh
Yeah

Ika'y ubod ng ganda
Walang araw na hindi ako nabighani
Sa iyo, oh giliw ako'y nababaliw
Ang iyong ngiti, aking minimithi

Sa mga araw na wala sa tamang timpla
Ika'y aking susuyuin
Ikaw ang mahal, wala nang iba
Sa mundong puno ng, walang katiyakan

Titiisin, mamahalin kita
Mamahalin, hindi ka iiwan
Ako'y sa iyo, lamang
Ika'y nagiisa
Titiisin, paninindigan kita

Prinsesa sa'king mundo
Ilang manliligaw ba ang dinaig ko
Sa huli, ako'y iyong pinili
Ang iyong lambing, aking makakamit

Sa mga araw na hindi ramdam ang pagmamahalan natin
Di ako aalis
Ikaw ang mahal, wala nang iba
Sa mundong puno ng, walang katiyakan

Titiisin, mamahalin kita
Mamahalin, hindi ka iiwan
Ako'y sa iyo, lamang
Ika'y nagiisa
TItiisin, paninindigan kita

Sa mga araw na wala sa tamang timpla
Ika'y aking mamahalin
Ikaw ang mahal
Ikaw ang mahal
Ako lang ba ang iyong mahal?
Ako lang ba ang iyong mahal?
Ikaw lang ang mahal, wala nang iba
Sa mundong puno ng, walang katiyakan



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link