SA PUSO'T ISIPAN

Ang iyong ngiti ay likas mong ganda
Ang iyong tinig ay aking himig
Sulyap ng yong mata lagi sa alala
Hinahanap ka nasaan kana sinta
Umibig sa iyo di ko sinasadya
Ako'y natulala Ako'y nabigla
Kapag kaharap ka ang saya sa tuwina
Ang mahalin mo rin isang pagpapala
Aking mahal kahit nasan ka man
Di parin magbabago iyong tatandaan
Ang tumingin sa iba'y di gagawin sinta
Nag iisa ka lang sa puso't isipan
Aking mahal kahit nasan ka man
Di parin magbabago iyong tatandaan
Ang tumingin sa iba'y di gagawin sinta
Nag iisa ka lang sa puso't isipan
Alam mong hindi ka lilimutin
Ang pag ibig mo ang tangi kong hiling
Alam mong hindi ka lilimutin
Ang Pag ibig mo ang tangi Kong hiling
Aking mahal kahit nasan ka man
Di parin magbabago iyong tatandaan
Ang tumingin sa iba'y di gagawin sinta
Nag iisa ka lang sa puso't isipan
Aking mahal kahit nasan ka man
Di parin magbabago iyong tatandaan
Ang tumingin sa iba'y di gagawin sinta
Nag iisa ka lang sa puso't isipan
Sa puso't isipan
Nag iisa ka lang sa puso't isipan



Credits
Writer(s): Yer Pangan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link