Pulso

Ilang beses ko bang sasabihin?
Mukha kang beauty queen, kahit ika'y magsalamin
Tanggalin mo man ang makapal na lipstick
Labi'y pulang-pula pa rin, walang magpapabago sa 'king isip

Baliktarin mo man ang mundo
Ikaw talaga ang aking gusto, oh, oh
Pagpasensiyahan mo na kung gan'to ako
Ikaw na lang ang nakikita sa pasilyo

Oh, kay dami-raming tao sa paligid
Ikaw lang ang pansin, dumadagdag pa sa isipin
Puwede ba ako'y iyong dinggin? Seryosohin mo na rin
Bumabagal ang pulso kapag ika'y nakatingin na sa akin

Oh, oh

Isa lang naman ang hiling sa mundo
Ika'y mapaakin, sawang-sawa na ako
Lintik kasi na pag-ibig 'to
Lagi na lang pinapaasa, siguro naman ikaw na 'to

Baliktarin mo man ang mundo
Ikaw talaga ang aking gusto, oh, oh
Pagpasensiyahan mo na kung gan'to sa 'yo
Ikaw na lang ang nakikita sa pasilyo

Oh, kay dami-raming tao sa paligid
Ikaw lang ang pansin, dumadagdag pa sa isipin
Puwede ba ako'y iyong dinggin? Seryosohin mo na rin
Bumabagal ang pulso kapag ika'y nakatingin na sa akin

Ikaw na talaga nakikita ko
Makasama, habang-buhay na 'to
Hanggang sa pagtanda
Ikaw ang diyosa ng buhay ko

Oh, kay dami-raming tao sa paligid
Ikaw lang ang pansin, dumadagdag pa sa isipin
Puwede bang ako'y iyong dinggin? Seryosohin mo na rin
Bumabagal ang pulso kapag ika'y nakatingin na sa akin (hey!)



Credits
Writer(s): Zack Tabudlo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link