Kung Maaari Lang Sana

Binibilang ang bawat luhang pumatak
Dahil sa 'king pag-iyak
Bumitaw ka na sa aking hawak
'Di mawari kung bakit ka nawala
Pati na rin ang tiwala
Lahat ay naglaho na

Pa'no na ba ibabalik
Ang mga nagdaan

Kung maaari lang sana na ibalik ang nakaraan
Kung saan ang puso ay puno pa ng kaligayahan
Kung kailan ang isip ay hindi pa naguguluhan
Kailan ba mangyayari
Kailan ba maaari

Iniisip kung sa'n nga ba nagkamali
Sa aking pagpili
Puso't isip ay 'di inintindi
Kung sakali man na mapagbigyan
Na muling maramdaman
Lahat ay aking kakalimutan

Pa'no na ba ibabalik
Ang mga nagdaan

Ohhh

Kung maaari lang sana na ibalik ang nakaraan
Kung saan ang puso ay puno pa ng kaligayahan
Kung kailan ang isip ay hindi pa naguguluhan
Kailan ba mangyayari
Kailan ba maaari

'Di ko naman ginusto ang lahat
'Di ko naman ginustong saktan ka
'Di ko naman ginusto na mapalayo sa'yo

Kung maaari lang sana na ibalik ang nakaraan
Kung saan ang puso ay puno pa ng kaligayahan
Kung kailan ang isip ay hindi pa naguguluhan
Kailan ba mangyayari
Kailan ba maaari
Ohhh
Kung maaari lang sana



Credits
Writer(s): Emman Samar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link