Ilang Beses Pa Ba

Nabigla ako nang inamin mo
Ang tunay na damdamin mo para sa'kin
Ang lahat ng ito'y hindi ko inasahan
Kaya napilitan akong ikaw ay iwan

Kaya ako'y lumayo para malaman mo
Na ako ay hindi para sa iyo
Sinabi na sa iyo, itigil mo na ito
Dahil hindi ikaw, laman ng puso

Ilang beses pa bang sasabihin
Na ang tadhana ay hindi pabor sa atin
Ilang ulit pa bang pipiliting
Ika'y lumayo
Wala namang pag-asang maging tayo

Sana ay maintindihan mo
Na hindi maibibigay ang 'yong gusto
Kaya pasensya na ulit sa iyo
Dahil nasaktan ko ang damdamin mo

Kaya ako'y lumayo para malaman mo
Na ako ay hindi para sa iyo
Sinabi na sa iyo, itigil mo na ito
Dahil hindi ikaw, laman ng puso

Ilang beses pa bang sasabihin
Na ang tadhana ay hindi pabor sa atin
Ilang ulit pa bang pipiliting
Ika'y lumayo
Wala namang pag-asang maging tayo

Binalaan na kita
Na masasaktan kita 'pag 'di ka lumayo
Pero nagtuloy ka
Ngayon pareho tayong nasaktan

Ilang beses pa bang sasabihin
Na ang tadhana ay hindi pabor sa atin
Ilang ulit pa bang pipiliting
Ika'y lumayo
Wala namang pag-asang maging tayo

Ohhh

Wala namang pag-asang maging tayo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link