PARUPARO

Dumadaan mga araw
Gustong matanaw
Paligid na nakakasilaw
Tunay nga ba ang sabi ni Imaw

Nalilito, nahihirapan ako
Di alam kung paano

Parang isang paruparo
Naghihintay sa oras ko
Lumabas sa tunay na ako
At ipakita ito sa mundo
Oooh-ooh-oh-oh
Oooh-ooh-oh-oh
Ooh-oh-oh
Ooh

Nakaka-inip
Di mapigilang di mapaisip
Ngunit kailangang huminahon
Magtiwala sa panahon

Nalilito, hanggang kailan ba ito
Pwede bang makasigurado?

Parang isang paruparo
Naghihintay ng oras ko
Ilabas ang tunay na ako
At magpakita na sa mundo
Oooh-ooh-oh-oh
Oooh-ooh-oh-oh
Ooh-oh-oh
Ooh

Parang isang paruparo
Nag-iisa ngunit nasa proseso
Naghihintay na mabuo
Magpakita nang walang tinatago
Oooh-oh-oh
Lilipad (lilipad) din ako
Di susuko (di susuko), aabot sa dulo
Oooh-oh-oh
Kakayanin (kakayanin) ko ito hanggang dulo (hanggang dulo)
Sa dulo
Ooh, sa dulo
Ooh, sa dulo

Oh, ooh, ooh



Credits
Writer(s): Cherlene Mae Asuncion, Jacob Raphael Yulo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link