Maghihintay

Pag-ibig Mo ba'y naglaho na
Di na ba maaari pang sa pangako Mo'y umasa
Araw-araw hinahanap kita
Naguguluhan, nasasaktan
Bakit parang wala Ka na
Ako ba'y makakalaya pa
Ginugulo ng pangamba

Sana Iyong dinggin itong aking panalangin
Sa aking pagdaing
O Hesus, ako'y lingapin

Sa kahinaan Ikaw ang kalakasan ko
Sa kalungkutan ay Ikaw
Ikaw ang siyang karamay ko
Sa lahat ng oras Ikaw ang kailangan ko
Ikaw ang hinahanap ko
Hesus, maghihintay ako

Sa bawat gabing lumuluha
Ito ba'y Iyong nakikita
Yakap Mo'ng aking kailangan
Magiging panatag ang kalooban
Hindi ko man maintindihan
Basta't Ika'y nandyan
Ako'y laging sasamahan
Di Mo ako pababayaan

Sana Iyong dinggin itong aking panalangin
Wag sanang magkubli
Hesus, mangusap Ka sa akin

Sa kahinaan Ikaw ang kalakasan ko
Sa kalungkutan ay Ikaw
Ikaw ang siyang karamay ko
Sa lahat ng oras Ikaw ang kailangan ko
Ikaw ang hinahanap ko
Hesus, maghihintay ako

Sana Iyong dinggin itong aking panalangin
Sa aking pagdaing
O Hesus, ako'y lingapin

Ang kabutihan at ang katapatan Mo
Muli panghahawakan ko ang mga pangako Mo
Ano man ang nais at ang kalooban Mo
Hesus, maghihintay ako
Maghihintay ako
Maghihintay ako Sa'yo



Credits
Writer(s): Ava Canaceli
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link