Aria

Sa ilalim ng bukas na langit
Nilalakbay ko ang malawak na tubig
Na minsa'y maalon, minsa'y tahimik
Hanap-hanap ang tadhana na para saakin

Sa sandaling ako'y umaahon
Tinatanaw ang dapit-hapon
Linulubos ang katahimikan
Bago ituloy ang laban ng buhay

Hanggat ako ay malaya, ako'y lalangoy
Upang mahanap ang aking tadhana
Di ko man alam saan matatagpuan
Sa baybayin man, o sa kailaliman

Ako man ay nangangamba
Alam kong di ako nag-iisa
Patuloy ang aking pagsulong
Makikisayaw lang ako sa alon

Hanggat ako ay malaya, ako'y lalangoy
Upang mahanap ang aking tadhana
Di ko man alam saan matatagpuan
Sa baybayin man, o sa kailaliman

Maligaw man ako sa mundong puno ng hiwaga
Di man alam saan na pupunta Ngunit
Saan man ako anurin mahahanap ko rin
Ang aking sarili

Hanggat ako ay malaya, ako'y lalangoy
Upang mahanap ang sarili, malawak man ang karagatan
Di ko man alam saan na matatagpuan
Sa baybayin man, o sa kailaliman



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link