Magbalik

Kaya pa bang ayusin
Kahit 'di ka na sa akin?
Halika na't lisanin
Ang mundong 'di para sa 'tin

Sana ay tayo pa
Kung 'di lang dahil sa kaniya
Kung uulitin man magkamali (Kung ako'y magkakamali)
Ngayo'y sa tama na

Wala na'ng dating pagtingin
Sawa na ba sa 'king lambing?
Wala ka namang dahilan
Bakit bigla na lang nang-iwan?

'Di na alam ang gagawin
Upang ika'y magbalik sa 'kin
Ginawa ko naman ang lahat
Bakit bigla na lang naghanap?

Hindi magbabago
Pagmamahal sa iyo
Sana'y pakinggan mo
Ang awit ng pusong ito

Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot
Pag-ibig 'di mapapagod
Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos
Pag-ibig 'di matatapos

Alaala'y bumabalik
Mga panahong nasasabik
Sukdulang mukha mo ay laging nasa panaginip

Bakit biglang pinagpalit?
Pagsasamaha'y tila nawaglit
Ang dating walang hanggan
Nagkaroon ng katapusan

Hindi magbabago (ohh)
Pagmamahal sa iyo
Sana'y pakinggan mo
Ang awit ng pusong ito (ahh)

Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot
Pag-ibig 'di mapapagod
Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos
Pag-ibig 'di matatapos

Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot
Pag-ibig 'di mapapagod
Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos
Pag-ibig 'di matatapos

Pag-ibig 'di matatapos
Pag-ibig 'di matatapos



Credits
Writer(s): Lemuel Belaro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link