Ichibu

Masaya matik na nadarama kapag
Nandiyan ka baterya (baterya) na
Pinagmumulan ng sigla (lahat ay easy
Magaan ang life)

Tila kwerdas sa gitara tisa sa pisara
Na di pwedeng mapaghiwalay
Sa malabong mga letra ikaw ang antipara
Ano mang bagay abot kamay

Ikaw ang gasolina sa makina
Asukal pag ako'y aalatin na
Nilalaman ng aking awitin na
Wo-hoo wo-hoo wo-hoo wo-hoo

Walang pangamba gusot at agam-agam ay
Nareresolba limot ang kaba sa bisig mo
Panatag pagkat yakap mo na

Since day one alam mo yan (diba) ikaw ang
Dahilan bat nag iba
Ang ikot ng roleta ng aking mundo binago
Mo eksena salamat sayo

Bigla akong bumingo ng hindi pumuro kaya
Naman love kita minu-minuto
Panatag ang puso ang isip payapa ikaw ang
Siyang dulo nitong kabanata
Maswerteng binata sayo na humaling ikaw
Ang biyaya na di hiniling

Sayong pag dating hatid ay bagong timpla
Ikaw ang kulang hinahanap na sangkap
Saking panlasa
Noon napaka tulin ng takbo nang aking
Buhay wala nga lang linaw kung ano ang
Naghihintay

Ngayon kalmado lang at ikaw pa ang
Kaakbay sigurado na ang bukas sa iyong
Mga kamay (hahay)

Ikaw ang gasolina sa makina
Asukal pag ako'y aalatin na
Nilalaman ng aking awitin na

Walang pangamba gusot at agam-agam ay
Nareresolba limot ang kaba sa bisig mo
Panatag pagkat yakap mo na

Tila ubos ang enerhiya pag hindi ka na
Kasama mainipin, mainitin ang ulo kapag
Wala ka ang presensya mo sa akin ay
Sadyang kakaiba ginagawa mong
Mahinahon at kalmado ang maldita

Hindi ko wari mainterpreta hiwaga mong
Dala dala ikaw ang hinahanap 'pag
Kailangan ko ng pahinga mag iilang taon na
Simula nang makilala ka ikaw din ang
Nilalaman ng aking bawat pahina

Ang paghanga ko sayo hindi lang dahil sa
Itsura mo kundi pati na rin sa taglay na
Pagkatao mo prinsipyo at pasensya ba?
Walang pag uusapan uuwi na lang lahat
Pagkat sayo'y wala ng laban

Wala ng iba pang bagay na mahihiling dahil
Sayo sarili ko ay natutunang mahalin ang
Pag ibig ko sayo'y sadyang hindi kayang
Basagin dahil ikaw ang sagot sa matagal ko
Ng dalangin

Ikaw ang gasolina sa makina
Asukal pag ako'y aalatin na
Nilalaman ng aking awitin na
Wo-hoo wo-hoo wo-hoo wo-hoo

Walang pangamba gusot at agam-agam ay
Nareresolba limot ang kaba sa bisig mo
Panatag pagkat yakap mo na



Credits
Writer(s): Jean Nicole Santander, Ricky Javier, Rowel Solayao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link