Ba't Ba?

Ba't ba ang hilig mong mag-isa
'Di nakuntento sa masayang mga istorya
Gusto mo pa yung nasasaktan ka
Biglang hihina pag tumulo na ang luha

Eh kung sana ako ang 'yong sinadya
Eh 'di sana wala nang ba't ba

Gumigising na pikit mga mata
Hindi pinapansin kahit wala nang mahika
Kulang nalang ay buhusan sa mukha ng
Tubig at rosas inabot niya sa iba

Sa kanya ba'y mayroong halaga
Ang bawat luhang pumapatak sa 'yong mata
'Di ka pa ba nagtatanda
Oh takot lang bang mamatay ng mag-isa

Eh kung sana ako ang 'yong sinadya
Eh 'di sana wala nang ba't ba

Gumigising na pikit mga mata
Hindi pinapansin kahit wala nang mahika
Kulang nalang ay buhusan sa mukha ng
Tubig at rosas inabot niya sa iba

Ba't umaasa ba't umiirap
Katotohanang hindi matanggap
Bakit ba siya ang 'yong hinahanap
'Di bagay ang sa iyo'y maghirap

Baka kasi wala talagang paki

Eh kung sana ako ang 'yong sinadya
Eh 'di sana wala nang ba't ba

Gumigising na pikit mga mata
Hindi pinapansin kahit wala nang mahika
Kulang nalang ay buhusan sa mukha ng
Tubig at rosas binigay rin sa iba



Credits
Writer(s): Christian Angelo Capiral
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link