Natagpuan

Laging nariyan
Ang puso kong nakalaan
Sa pag-ibig Mo O Diyos
Na aking pinagmulan
Ang hangarin ko'y
Maglingkod ng tapat sa'Yo
Taglay ang puso kong itong
Pinaghaharian Mo
Ama pakinggan Mo
Ang tinig ng awiting kong
Iaalay lahat sa'Yo
Buong puso ko

Maghari Ka sa buhay ko
Gaya ng pag-ibig Mong
Sumakop sa bawat sandali
Ng kasalanan kong
Sinlaki ng kabundukan
Nawala na ang kagalakan
Ngunit pag-ibig Mo'y natagpuan
Walang hangga't katapusan
Kaya karapat-dapat Kang
Parangalan



Credits
Writer(s): Sam Borja
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link