Loob At Labas

Maraming beses na ngang
Ako ay bumagsak
Biyaya't awa Mo
Sa'kin ay Binigay

Walang hangganan
Ang liwanag Mo'y ilaw sa'kin
Di matatapos
Kadakilaan Mo'y higit sa lahat

Ang 'Yong kalooban
Sa'kin ay matupad
Isusuko kong lahat
Para purihin Ka

Puso't kaluluwa
Ay hawakan Mo Ama
Maghari Ka sa buhay ko O Diyos
Ang katuwiran Mo
Ay yayakapin ko
Upang ibigin Kang tunay

At ang iyak puso'y
Pupurihin Ka
Sa loob at labas Panginoon
Purihin Ka



Credits
Writer(s): Sam Borja
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link