Pangarap

Manhid na utak ko, kakaisip sa mundo
Puso'y nangangalay kaya piniling huminto
Sa ingay ay lumayo para mapatahimik ito
Muli ay babalik ang alab ng pangarap mo

Ang sabi ko naman, 'di ba, sa 'yo?
Hinay-hinay ka lang sa pagtungo
Sa pangarap na iyong binubuo
Tatagan mo lang lagi ang loob mo
Madaming taong sasabay sa 'yo
'Di mo lang alam sino ang totoo
Kaya huwag magpakita ng kahinaan
Lakas ay doon sa kalagitnaan

Manhid na utak ko, kakaisip sa mundo
Puso'y nangangalay kaya piniling huminto
Sa ingay ay lumayo para mapatahimik ito
Muli ay babalik ang alab ng pangarap mo

Huwag mo rin sanang kakalimutan
Mas marami ang tunay na kaibigan
Bilang lang sa kamay ang kamalasan
Ipunin ang suwerte sa kamalian
Aral, ikaw lang makakapagsabi
Sinasambit ng dati mong mga ngiti
Luha, lilipas din, 'di mo mawari
Mata, linawan lang do'n sa mabuti

Manhid na utak ko, kakaisip sa mundo
Puso'y nangangalay kaya piniling huminto
Sa ingay ay lumayo para mapatahimik ito
Muli ay babalik ang alab ng pangarap mo

Ah-ha, ah-ha, ah-ha, ah-ha

Pahinga ka muna, aking kaibigan
Ako'ng bantay, ginapang mo na kaban
Asahan mo dai taka bayaan
Lumipas pa nana't lawasin bulan

Araw, gabi ay walang katapusan
Umpisahan mo na at muling babalikan
'Pag malakas na uli at humina'ng bangayan
Hahamakin ang lahat at huwag lulubayan

Ilalaban ang pangarap at muli ngang mag-aalab
Apoy sa puso, taglay ay pagsusumikap
Sipag, tiyaga, diskarte, kasamang lalayag
Lilipad patungo sa langit na hinahanap

Mga anghel naghihintay kasama ng papremyo
Nakaukit sa salamin, nakalaan sa 'yo
Huwag ka lang magbabago, 'taga mo sa bato
Ugong ng silakbo, matatapos din ang gulo, oragon 'to

Manhid na utak ko, kakaisip sa mundo
Puso'y nangangalay kaya piniling huminto
Sa ingay ay lumayo para mapatahimik ito
Muli ay babalik ang alab ng pangarap mo

Ah-ha, ah-ha, ah-ha, ah-ha, ah-ha
Ah-ha, ah-ha, ah-ha, ah-ha, ah-ha, ah-ha, ah-ha



Credits
Writer(s): Alfredo Engay
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link