PANSIN

Di parin masabi masabi
Ang aking nararamdaman
Ano nga bang nangyari?
Puso'y pilit iniiwasan

Ikaw lang naman, wala na ngang iba
Kinakabahan parin pag ika'y lalapit
Sarili'y sinasabihan "wag nalang kaya"
Kasi meron nang iba

Di mo lang alam, ako'y nagmamasid
Di mo lang rinig, ika'y pinipintig
Ikaw, ang nais na makapiling
Di mo lang pansin

Di nya ba mawari
Ang tunay mong nararamdaman
Sa piling nya ika'y sawi
Batid ko sa 'yong mga tingin

Ano nga ba ito? Di mapagtanto
Kaibigan lang ba ako?
Sandalan tuwing nalulungkot

Gagawin ang lahat
Alam kong ito'y mali
Pero mamahalin kita ng mas higit

Di mo lang alam, ako'y nagmamasid
Di mo lang rinig, ika'y pinipintig
Ikaw, ang nais na makapiling
Di mo lang pansin

Oh woh sana ay mapansin
Oh woh sana'y naririnig
(Oh woh) alam kong ito'y mali
Pero mamahalin kita ng mas higit

Di mo lang alam, ako'y nagmamasid
Di mo lang rinig, ika'y pinipintig
Ikaw, ang nais na makapiling
Di mo lang pansin



Credits
Writer(s): Sunny Lorenz Perando
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link