Kahapon

Sa puso't isipan
Wala nang iba
Ang bawat segundong humahakbang
May mababalik ba

Umiikot ang mundo
Lumilipas ang taon
Pagtinging di nag bago
Ikaw pa rin ang gusto

Ilang sikat ng araw
Mga gabing kay lungkot
Hindi na ba ma ibabalik pa

Ang ligaya, ang tamis, ang saya'y
Nawala ng parang bula
Ang bawat segundong humahakbang
Hindi na ma ibabalik pa

Alaala ng kahapon
Salitang itinapon
Ano nga ba ang sanhi
Lumisan ng kay bilis

Ang ligaya, ang tamis, ang saya'y
Nag laho ng parang bula
Sa bawat segundong humahakbang
Sayo'y umaasa pa rin

Pa'no nga ba ma ibabalik (Pa'no nga ba ma ibabalik)
Ang dati nating pag sasama
Babaliktarin ang orasan (babaliktarin ko)
At huwag kang bumitaw (huwag ka nang bumitaw)

Ang ligaya, ang tamis, ang saya'y
Nag laho ng parang bula
Ang bawat segundong humahakbang
May ma ibabalik ba

Sa puso't isipan
Wala nang iba
Ang bawat segundong humahakbang
May mababalik ba

May mababalik ba



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link