Sa Iyong Paghimbing

'Wag ka munang bumitaw
Hindi pa huli ang lahat
Idlip lang ang katapat
Ng pagod ng iyong katawan

Ang buwan ay nakasilip
Nakasubaybay nang may ngiti
'Pagkat alam niya ring
Lahat ng ito ay maitatawid

Kumapit ka lang (kumapit ka lang)
Humimbing ka lang (humimbing ka lang)
Kumapit ka lang (kumapit ka lang)
Humimbing ka lang (humimbing ka lang)

Sa aking bisig, ako'y gawing unan
'Wag kang matakot, 'di hahayaan
'Wag mag-alinlangan, ako'y 'yong tahanan
Maging komportable sa katotohanan

Ooh (ooh)
Ooh
Ooh (ooh)
Aah, ah



Credits
Writer(s): Kristine Dawinan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link