Takipsilim

Nalilito
Gulong-gulo
Naghahanap ng kanlungan
Naliligaw ang puso kong puno ng alinlangan
Walang ibang pag-ibig kung hindi Ikaw
Nalulumbay at para bang
Nawawalan ng pag-asa
Pikit matang naglalakbay
Pagal at nasusugatan
Dalangin ng puso ay sumisigaw
Ang pagmamahal Mo ay walang hanggan

Namulat sa buhay na Iyong binigay
Hatid ay ligayang walang kapantay
Sabik sa pag-ibig Mo
Lakas at liwanag Mo
At kahit mundo ay puno ng pait
Ikaw ang gabay sa bawat sandali
Pagsikat ng araw
Hanggang takipsilim
Takipsilim

Aking panalangin (takpsilim)
Sa Iyo ay mamalagi (takipsilim)
Ikaw ay pupurihin (takipsilim)
Pag-ibig Mo ay kasing ganda ng
(Takipsilim)



Credits
Writer(s): Maridec Quilnat
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link