Ibang Mundo

Nakatingin ako sa ulap
Sa ilalim ng dilim
Tinatanaw ko ang liwanag na tila tinatawag
Ang pangalan ko habang nagniningning yeah yeah

Nakatingin ako sa langit
At walang naririnig
Maliban sa iyong bulong
Sakin ay nagtatanong
At sinasabi na halika na
At tayo'y tumungtong

Sa ibang mundong ako lang ang may alam
At tinatawan ng iba, hindi nila alam

Sa likod ng tala
May ibang mundo, nakita ko sa mahimbing na panaginip ko
Sa likod ng tala
May ibang mundo na hindi kalayuan sa kalawakang to

Kalawakan, akin nang natapakan
Mundong hindi pamilyar na noon ay aking nilalakaran
At dahan-dahan mo kong dalin at hawakan
Pabalik sa ibang mundo halika na't ako ay muli mong itanan

Habang nakapikit, aking pinagmamasdan
Ang muli mong pagdating ay aking inaabangan habang
Nakatingin ako sa langit
At walang naririnig

Maliban sa iyong bulong
Sakin ay nagtatanong
At sinasabi na halika na
At tayo'y tumungtong

Sa ibang mundong ako lang ang may alam
at tinatawan ng iba, hindi nila alam na

Sa likod ng tala
May ibang mundo, nakita ko sa mahimbing na panaginip ko
Sa likod ng tala
May ibang mundo na hindi kalayuan sa kalawakang to

Kalawakan, akin nang natapakan ang
Kakaibang mundo na hindi nila alam yeah
At dahan-dahan mo kong dalin at hawakan
Papunta sa ibang mundong hindi ko din alam

Kung bakit di mapatunayan
Na ako'y bumabalik-balik sa kalawakan at

Sa ibang mundong ako lang ang may alam
at tinatawan ng iba, hindi nila alam

Sa likod ng tala
May ibang mundo, nakita ko sa mahimbing na panaginip ko
Sa likod ng tala
May ibang mundo na hindi kalayuan sa kalawakang to



Credits
Writer(s): Gian Paulo Delos Santos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link