Laho

Di ko alam ang gagawin
Tila ako'y napapraning
Sa'yo sa tuwing nakikita ka

Dumadabog ang puso
Nais nang lumayo
Sa'yo pag nasisilayan ka

Ano ba itong nadarama
Di mapigilan ang kaba
At kung bakit sa tuwing kasama ka oo-woah

Gusto ko nang maglaho
Laho, mawala sa dilim
Gusto ko nang maglaho
Laho, sa iyong paningin woah
Nais ko nang lumayo
Sabi ng aking puso
Gusto ko nang maglaho

Ba't ba merong kaba
Sa tuwing kausap ka
Ako'y umiibig na ba

Ang puso nga naman
Sadyang mapaglaro
Ako'y umiibig na nga

Ano ba itong nadarama
Di mapigilan ang kaba
At kung bakit sa tuwing kasama ka oo-woah

Gusto ko nang maglaho
Laho, mawala sa dilim
Gusto ko nang maglaho
Laho, sa iyong paningin woah
Nais ko nang lumayo
Sabi ng aking puso
Gusto ko nang maglaho

Nais ko nang lumayo
Sabi ng aking puso

Gusto ko nang maglaho
Laho, mawala sa dilim Oh-woah
Gusto ko nang maglaho
Laho, sa iyong paningin woah
Nais ko nang lumayo
Sabi ng aking puso

Gusto ko nang maglaho
Laho... Laho



Credits
Writer(s): Abby Clutario, Eric Tubon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link