Sasamahan Kita

Babantayan sa pagtulog
Ako ang magsisilbi mong kumot
Sa gabing malamig, lagi mo 'kong katabi
Sa 'yo lang ako hihimbing
'Di ka mag-iisa, alalahanin mo, sinta
Hanggang sa 'ting pagtanda

Sasamahan kita sa'n man tayo mapunta
Tatahakin anumang ibigay ng tadhana sa 'tin
Sa akin ibigay ang lahat ng 'yong pangamba
Gagawin ang lahat ng aking makakaya

'Kaw at ikaw lang nasa isip
Mamahalin ka bawat saglit (bawat saglit)
Ako'y para sa 'yo, matapos man ang mundo
Sa 'yo lang ako tutungo
Huwag mag-aalala, hindi ako mawawala
Hanggang sa 'ting pagtanda (pagtanda)

Sasamahan kita sa'n man tayo mapunta
Tatahakin anumang ibigay ng tadhana sa 'tin
Sa akin ibigay ang lahat ng 'yong pangamba
Gagawin ang lahat ng aking makakaya

Sasamahan kita sa'n man tayo mapunta
Tatahakin anumang ibigay ng tadhana sa 'tin
Sa akin ibigay ang lahat ng 'yong pangamba
Gagawin ang lahat ng aking makakaya

Sa akin ibigay ang lahat ng 'yong pangamba
Gagawin ang lahat, oh, aking sinta



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link