Nawala Ka Lang Bigla

Maaari ba akong umamin sa iyo?
Matagal ko nang gustong sabihin 'to
Hindi ko lang alam kung pa'no magsisimula
Takot kasi ako'y iyong iwanan

Ibibigay ang lahat kahit walang-wala
Handang magmahal kahit walang katiyakan

Ano pa ba'ng kulang? Hindi naman sa nagbibilang
Ayoko lang masanay na gan'to na lang
Iyong biglang iiwanan kapag ika'y masaya, ah
Masaya sa piling niya, ah

Ba't kailangan magkapaan? Hindi ba puwedeng pag-usapan?
Gusto ko lang naman ay makasama ka

Ibibigay naman ang lahat kahit walang-wala
Handang magmahal kahit walang katiyakan

Ano pa ba'ng kulang? Hindi naman sa nagbibilang
Ayoko lang masanay na ako na lang
Ang 'yong ginagawang sandalan, ang hanap 'pag mayro'ng kailangan
Ayoko lang masanay na gan'to na lang
Iyong biglang iiwanan kapag ikaw 'yong masaya

Wala nang naririnig, napaniwala mo ang puso ko
Ba't 'di ka nagsabi?
At nawala ka lang bigla
At nawala ka lang bigla
Whoa

Ano pa ba'ng kulang? Hindi naman sa nagbibilang
Ayoko lang masanay na ako na lang
Ang 'yong ginagawang sandalan, ang hanap 'pag mayro'ng kailangan
Ayoko lang masanay na gan'to na lang
Iyong biglang iiwanan kapag ikaw 'yong masaya
Masaya sa piling niya

Whoa, oh, oh, whoo
Whoa



Credits
Writer(s): Cid Palma, Ej De Perio, Migz Haleco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link