S.O.S (Some Old Story)

Yow
Lemme show you my story, man
Some real shit
Hmm, hmm

Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa memorya ko
'Yung mga panahong sarili ko'y litong-lito
Para mabuhay, kinailangan ko na maglako
Ng bawal na damong minsang kinahiligan ko

Nagulat ka ba? Kasi 'di na 'ko gaya noon
Na barumbado at alipin ng mga bulong
Namulat ng paniniwala sa Panginoon
Ang nagsalba sa 'king sarili na nakakulong

Pero aminado na hindi gano'n kadali ko
Naitama 'yung mga pagkakamali ko
Daming dinaanan ko na pasikot-sikot
Bago makabalik sa natural na ikot

'Lam mo bang nakulong, na-rehab?
Pagbalik, bumalik lang ulit sa pagiging sakit
Sa damdamin ng pamilya ay naging pasakit
Nasabihan na din ng mga masakit na salita

'Yoko na maggunita, panahong bulag
Pa 'ko sa katotohanang kinakaharap
Takas sa realidad, takbo sa sarap
Para lamang 'di makaramdam ng pag-alala

Minsan, pakiramdam ko, ano'ng halaga?
Sa 'king pagkabuhay ay may pagtataka
May nagbabantay nga ba sa 'kin na Ama
Na nakatanaw sa 'king pagkilos at ginagawa?

Tanging patalim lang ang alam kong kapitan
No'ng mga panahong kailangan ko'ng malalapitan
Oras ng kagipitan, nakita ko sa pintuan
Ay anino Mo pa rin, walang pamilya o kaibigan

At salamat kasi hindi Mo 'pinagkait
Ang liwanag sa mga nasisiraan ng bait
Binigyan mo ng tiyansa na muling makabalik
Sa landas na kung saan sa 'yong palasyo papanik

Masakit ang nakaraan, ramdam mo ba 'ko?
Kung hindi, ayos lang naman
Salamat pa rin sa 'Yong oras na inilaan
Sa 'king istorya at damdamin na inilahad

'Di na para bumalik sa nakaraan
Mga lumipas na taon, aral ang laman
Masaya na 'ko sa kung ano'ng kinalabasan
Mabuhay sa kasulukuyan, ginaganapan

Wala nang pag-alala, hmm, hmm
Wala nang pag-alala, hmm, hmm
Wala nang pag-alala

Kung 'di ako natuto na sumulat, gumawa ng musika
Malamang ang buhay ko ngayon ay gaya pa rin ng iba
Kung 'di ako namulat sa mga mali ko na ginagawa
Malamang ang buhay ko ngayon ay kuwento na lang ng iba

Kung 'di ako natuto na sumulat, gumawa ng musika
Malamang ang buhay ko ngayon ay gaya pa rin ng iba
Kung 'di ako namulat sa mga mali ko na ginagawa
Malamang ang buhay ko ngayon ay kuwento na lang ng iba



Credits
Writer(s): Genesis Lago
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link