Paraluman

Sa unang tingin agad na nahumaling
Sa nagniningning
Mong mga mata
Ika'y isang bituin na nagmula sa langit

Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi
Sadya namang nakakabighani
'Di maipaliwanag ang
Nararamdaman

Namumukadkad ang aking ligaya
Sa t'wing ikaw ay papalapit na
Hawakan mo
Ang aking kamay

Oh, Paraluman
Ika'y akin nang
Dadalhin sa
'Di mo inaasahang paraiso

Palagi kitang aawitan ng kundiman
'Di magsasawa, 'di ka pababayaan
Isasayaw kita hanggang
Sa walang-hanggan

Mga gunita na laging naiisip
Sumisilip ang itinakda ng mahiwaga
Liwanag na dulot mo nagbigay-sinag sa madilim kong mundo
Ibang-iba ako kapag ikaw na ang kapiling

Sumisiping ang buwan at mga bituin
Na para bang sumasang-ayon sa atin
Ang kalawakan (Kalawakan)

Namumukadkad ang aking ligaya
Sa t'wing ika'y papalapit na
Hawakan mo
Ang aking kamay

Oh, Paraluman
Ika'y akin nang
Dadalhin sa
'Di mo inaasahang paraiso

Palagi kitang aawitan ng kundiman
'Di magsasawa, 'di ka pababayaan
Isasayaw kita hanggang
Sa walang-hanggan

Himig ng tadhana
Sa atin ay tumutugma na
Himig ng tadhana
Sa atin ay tumutugma na

Himig ng tadhana sa atin ay tumutugma

Paraluman
Ika'y akin nang
Dadalhin sa
'Di mo inaasahang paraiso

Palagi kitang aawitan ng kundiman
'Di magsasawa, 'di ka pababayaan
Isasayaw kita
Mamahalin kita hanggang sa walang-hanggan



Credits
Writer(s): Adrian Garcia
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link