Tagal

Sabi magpapahinga
Hindi naman inaakalang
Tatagal ng ganito

Laging sinasabi nila
Para daw kasing prinsesang
Naghahangad ng sobra-sobra

Hindi nagmamadali
Pero may mga gabing
Naghahanap ng katabi

Hilig mag-atubili
Pero minsa'y nananabik
Humihirit
Humihiling na siya'y dumating

Minsan nang nagkamali
Natakot ng pumili
Sarili'y iningat-ingatan
Oh kay tagal pinagsabihan

Dahan-dahan nang babalik
Susubok muli
Sana nga'y naririnig mo
Handang-handa isang pagsamo

Bakit daw nagmamaganda
Ate kung alam mo lang ang istorya
Pumapalpak paulit-ulit

Paano kung parehas pala
Diyos ko baka naman isang malas
Kaya parating todo-iwas

Hindi nagmamadali
Pero may mga gabing
Naghahanap ng katabi

Hilig mag-atubili
Pero minsa'y nananabik
Humihirit
Humihiling na siya'y dumating

Minsan nang nagkamali
Natakot nang pumili
Sarili'y iningat-ingatan
Oh kay tagal pinagsabihan

Dahan-dahan nang babalik
Susubok muli
Sana nga'y naririnig mo
Handang-handa isang pagsamo

Nanabik, nanabik
Humihiling, humihiling
Gusto ko rin na kiligin
Kailan kaya (saan ka na, oh woh)

Nanabik, nanabik
Humihiling, humihiling
Kay tagal hinanap ang sarili
Papayag bang magkamali

Minsan nang nagkamali
Natakot ng pumili
Iningat-ingatan ang aking sarili

Dahan-dahan nang babalik
Susubok muli
Sana nga'y naririnig mo
Handang-handa isang pagsamo

Handang-handa na ako
Mahalin mo, mahalin mo



Credits
Writer(s): Celine Laroza
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link