Overcast

Nakakalimot na sa mga nasasayang na panahon
Sadyang lumilipad lahat ng pangako mo
Pipilitin kong intindihin ang mga paliwanag mo
Kahit alam ko nang wala ka na sa tino

Ako naman itong pinangarap mo noon

May iba na ba ngayon
Akala ko ako lang ang nag-iisang bituing tinadhana sa'yo
'Wag subukang linlangin
Sa dami nang sinabi mo, ni isa'y walang nagkatotoo

At ngayon, ako naman itong humahabol sa'yo
Sadyang mapaglaro ang ikot ng mundo
Hinanap kita doon, hinanap kita dito
Ngunit wala ka na, pati na ang pangarap ko

Ako naman itong balewala sa'yo

May iba na ba ngayon
Akala ko ako lang ang nag-iisang bituing tinadhana sa'yo
'Wag subukang linlangin
Sa dami nang sinabi mo, ni isa'y walang nagkatotoo

Nalilito, kay gulo sa piling mo
Masaya nga ba tayo o ako'y nilalaro
Pinagbibigyan ka pa, hanggang saan ang kaya ko
Saglit na away lang, magwawakas na ba
Magpapahinga, kakapit pa
Nagbago nang lahat bigla
Ang dating kong tiyak, ngayo'y malabo na

May iba na ba ngayon
Akala ko ako lang ang nag-iisang bituing tinadhana sa'yo
'Wag subukang linlangin
Sa dami nang sinabi mo, ni isa'y walang nagkatotoo

Nalilito
Kay gulo
Nagbago ang pag-ibig mo
Nalilito
Kay gulo ooohhh



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link