Tulak

Puwede bang 'wag muna?
Sanayin muna 'kong wala ka
Tanggap na 'di para
'Di para sa isa't isa

Patawad kung umiwas
Tanggap kong magkaiba'ng landas
Damdaming 'di lilipas
Magkalayo man ang agwat, agwat

'Wag mo sanang itulak
Pangako kong ako'y magpapanggap
Kahit masaktan lang ang lunas (kahit masaktan lang ang lunas)
Pipigilin ko'ng bawat bukas

Piliting makaya
Mapupunta ka lamang sa iba
Saglit na ligayang
Inipon kong mula sa umpisa

Patawad kung umiwas
Tanggap kong magkaiba'ng landas
Damdaming 'di lilipas
Magkalayo man ang agwat, agwat

'Wag mo sanang itulak
Pangako kong ako'y magpapanggap
Kahit masaktan lang ang lunas (kahit masaktan lang ang lunas)
Pipigilin ko'ng bawat bukas

Tatakbo palayo
At babalik kung sa'n nagkatagpo
Napaso kong puso
Nagkamali man, uulitin ko

'Wag mo sanang itulak
Pangako kong ako'y magpapanggap
Kahit masaktan lang ang lunas
Pipigilin ko'ng bawat bukas

Damdaming 'di lilipas
Magkalayo man ang ating agwat
Kahit masaktan lang ang lunas (kahit masaktan lang ang lunas)
Iibigin ka pa rin bukas

Paalam na muna
Pipilitin kong limutin ka



Credits
Writer(s): Lemuel Belaro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link