Nandiyan Pa Ba? (feat. Josh Villena of Autotelic, Bayang Barrios & 6cyclemind kids)

Huni ng ibon
Agos ng ilog
Sipol ng hangin
Mga tuyong dahon

Ba't di natin subukan pumikit ng sandali
Damhin ang hangin kung san nagkamali

Ba't di natin subukan huminto ng sandali
Tingnan ang daanan kung paano ibabalik

Nandiyan pa ba? Nandiyan pa ba?
Nandiyan pa ba? Nandiyan pa ba?

Huni ng ibon
Agos ng ilog
Sipol ng hangin
Mga tuyong dahon

Ba't di natin subukan pumikit ng sandali
Pakinggan ang paligid na di na makaimik

Ba't di natin subukan huminto ng sandali
Taimtim na dasal para sa nagkamali

Nandiyan pa ba? Nandiyan pa ba?
Nandiyan pa ba? Nandiyan pa ba?
Nandiyan pa ba? Nandiyan pa ba?
Nandiyan pa ba? Nandiyan pa ba?

Huni ng ibon
Sa labas ng hawla
Agos ng ilog
Malinis na tubig

Sipol ng hangin
Ang lahat ay panatag
Mga tuyong dahon
Kapalit ay pag-asa

Andyan ka ba? Andyan pa ba?
Nandiyan pa ba? Nandiyan pa ba?
Andyan ka ba? Andyan ka ba?
Nandiyan ka pa ba?
Naghihintay

Sisid sa ilog
Lusong sa batis
Ligo sa ulan
May tsinelas na hinagis

Habulan sa bukirin
Puno'y ating akyatin
Karanasan natin noon
Na sanay di pa tangayin

Nang panahon at pag babago
Sa mga maiiwan anong taya mo

Mga basura na kinalat at hinalo
Gano pa kalinis ang tubig natin sa baso isa yan sa mga kaso

Huni ng ibon
Sa labas ng hawla
Agos ng ilog
Malinis na tubig

Sipol ng hangin
Ang lahat ay panatag
Mga tuyong dahon
Kapalit ay pag-asa

Andyan ka ba? Andyan pa ba?
Nandiyan ka ba? Nandiyan pa ba?
Andyan ka ba? Andyan pa ba?
Andyan ka ba? Nandiyan ka pa ba?
May naghihintay

Huni ng ibon
Agos ng ilog
Sipol ng hangin
Mga tuyong dahon

Huni ng ibon
Agos ng ilog
Sipol ng hangin
Mga tuyong dahon



Credits
Writer(s): Joseph Darwin Hernnadez, Roberto Canamo Jr., Ryan Sarmiento
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link