Misyon

Para saan ba talaga ako nabubuhay
Tanong ko sa'kin isipan
Nakakapagod din naman na maging matibay
Nakakubli ang kalungkutan
Ano ba talaga, nuba talaga?
Misyon ko sa buhay?

Bakit ba ako nandito sa mundo na magulo
Kung panay sugat sa puso ang aking natatamo
Bakit nga ba ganito di magawa aking gusto
Madalas na husgahan totoong pagkatao ko
Hinahanap ang sarili bakit hindi matagpuan
Naglalakad sa kawalan upang ang diway mabuksan
Aminado sa sarili konti ang kaalaman
Kaya ang buhay sinusulit yan lang ang aking alam

Di mabilang kakilala na nang iwan
Naging pihikan sakin pagpili ng kaibigan
Lumamig na din ang puso ko kinalaunan
Salamat sa karanasan at mga natutunan

Para saan ba talaga ako nabubuhay
Tanong ko sa'kin isipan
Nakakapagod din naman na maging matibay
Nakakubli ang kalungkutan
Ano ba talaga, nuba talaga?
Misyon ko sa buhay?

Sinusulit ang buhay, bago sa mundo ay lumisan
Mataas kung mangarap at palaging kini-kilusan
Sa ginagawa'y may puso at hindi napipilitan
Kukunin ang para sa'kin, di kaylangan na utusan
Mga sablay ko sa buhay ang itinuring ko na guro
Pangit na karanasan ay may magandang naituro
Lahat ay aking ginawa di lang nabuhay sa siguro
Ito'y tunay na buhay hindi lang basta kuro-kuro

Di mabilang kakilala na nang iwan
Naging pihikan sakin pagpili ng kaibigan
Lumamig na din ang puso ko kinalaunan
Salamat sa karanasan at mga natutunan

Para saan ba talaga ako nabubuhay
Tanong ko sa'kin isipan
Nakakapagod din naman na maging matibay
Nakakubli ang kalungkutan
Ano ba talaga, nuba talaga?
Misyon ko sa buhay?

Para saan ba talaga ako nabubuhay
Tanong ko sa'kin isipan
Nakakapagod din naman na maging matibay
Nakakubli ang kalungkutan
Ano ba talaga, nuba talaga?
Misyon ko sa buhay?



Credits
Writer(s): Paul Brian Perez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link