Tanging Kailangan

Kaya ko bang ibigay ang lahat?
Kung sa sarili'y hindi na sapat
Kay raming kulang, 'di kayang punan

Laging sinusubok ang pusong pagal
Ngunit umaapaw 'Yong pagmamahal
Kay raming kulang ang 'Yong pinunan

Ngayon pa ba magdududa?
Katapatan Mo ay subok na

Ramdam Ka sa ihip ng hangin
Tanaw Ka sa bilyong mga tala
Liwanag ng buwan at araw ay patunay na Ika'y dakila
Gaya ng ibon sa kalangitan
Bawat kailanga'y tutugunan

Sabihin Mo lang ang Iyong salita
Handang makinig at sa 'Yo'y magtiwala
O, aking Ama, sa 'Yo lang aasa

Hilumin Mo ang pagdududa
Katapatan Mo ay sapat na

Ramdam Ka sa ihip ng hangin
Tanaw Ka sa bilyong mga tala
Liwanag ng buwan at araw ay patunay na Ika'y dakila
Gaya ng ibon sa kalangitan
Ikaw ang tanging kailangan

Panginoon, Ikaw ang
Aming tanging kailangan
Walang hanggan at tunay
Ang Iyong katapatan

Panginoon, Ikaw ang
Aming tanging kailangan
Walang hanggan at tunay
Ang Iyong katapatan

Gaya ng ibon sa kalangitan
Ikaw ang tanging kailangan

Aming Hesus, binigay Mong lahat
Krus ng pag-ibig na higit sa sapat



Credits
Writer(s): Charles Bautista, Ej De Perio, Keiko Necesario Cubil
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link