Alintana

Napapagod na akong
Mapagod sa iyong ginagawa
Pinakita pa sa'yo
Nipis ng balat kong lilang ginto
Bilanggo ka pa rin ba
Ng dating musika
'di malimutan ang melodiya
Nakadilat pa rin ba
Nagiisang mata sa yong noo para
Sa multo niya
Malamang sa malamang
Masasaktan kita
Malamang sa malamang
Masasaktan mo ako
At yun ang magsisilbing patunay
Na tayo ay sadyang nabubuhay
Para sa isa't isa
Ako naman ang harapin
Ang aking salamin, 'yong mahalin
'di na mamadaliin
Hindi pipiliting makauwi
Napapagod ka rin ba
Sa kakagunita ng panahon nating
Lumipas na
Tatahimik pa kaya
Aking kaluluwa
Sa takot na baka lumisan ka
Malamang sa malamang
Masasaktan kita
Malamang sa malamang
Masasaktan mo ako
At yun ang magsisilbing patunay
Na tayo ay sadyang nabubuhay
Para sa isa't isa
H'wag mong limutin
(malamang sa malamang)
H'wag mong lisanin
(malamang sa malamang)
H'wag mong limutin
(malamang sa malamang)
H'wag mong lisanin
(malamang sa malamang)
Aalahanin
Aalahanin
Malamang sa malamang
Masasaktan kita
Malamang sa malamang
Masasaktan mo ako
At yun ang magsisilbing patunay
Na tayo ay sadyang nabubuhay
Malamang sa malamang
Masasaktan kita
Malamang sa malamang
Masasaktan mo ako
At yun ang magsisilbing patunay
Na tayo ay sadyang nabubuhay
Para sa isa't isa



Credits
Writer(s): Francesca Nicolette Modales Muyrong, Nathaniel Galela
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link