Parang Panaginip

Hmm

Parang panaginip ang lahat ng 'to
'Di ko din maisip kung sa'n 'to hahantong
Laman ng isipan, minsan 'di kontrol.
Minsan naiisip kong ba't naririto

Oh, oh

Daming pagsubok nitong tadhana
Minsan parang 'di kaya
Salamat pa rin, Bathala
Alam kong ako ay pinagpala Mo

'Di ko din inaakala na
Dito lahat 'to hahantong
Ngayon ko lang din napagtantong
Lahat ng 'to'y pinaghirapan ko

Nagbunga kahit pa'no 'yong mga plano ko sa isipan
Laging tapat tumrato, mabuting tao at kaibigan
Kahit 'di mo maibigan, 'di 'pagpipilitan
Kuntento na sa buhay ko at payapa ang isipan

Parang panaginip ang lahat ng 'to
'Di ko din maisip kung sa'n 'to hahantong
Laman ng isipan, minsan 'di kontrol
Minsan naiisip kong ba't naririto

Oh, oh

Minsan talaga 'di gano'n na kadaling mabuhay
Sa mundo na masukal, kailangan mo'ng patnubay
Kailangan mong masanay pumalag sa pagkabuhay
Kumalag sa pagkaposas at magsilbi kang patunay

Na kaya mong suungin ang lahat
Ga'no man kabigat ang kinakaharap
Ika'y humaharap at 'di ka umaatras
Alam mo ang palabas sa pinasok na landas

Kahit na sobrang daming kalungkutan sa loob na 'yong bungo
'Di ka humihinto, tuloy sa pagbuo
Tuloy lang sa paghanap ng lagusan sa pangarap
Balang-araw, lalaganap ang hangarin mo na hawak

'Wag mag-alala
'Wag mag-alala
'Wag mag-alala
Kasi nga

Parang panaginip ang lahat ng 'to
'Di ko din maisip kung sa'n 'to hahantong
Laman ng isipan, minsan 'di kontrol
Minsan naiisip kong ba't naririto

Oh, oh



Credits
Writer(s): Genesis Lago
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link