Agila

Lumulutang lang ako
Sa ibabaw ng mga ulap
Oh paikot ikot
Paikot ikot lang

Pwede ba dito nalang muna ako
Ayoko pang bumaba
Malakas ang alon
Baka malunod lang

Hinangin lang ang lahat
Naubos na ang mga luha na
Inipon dati pa

Pero pag dating ng gabi
Magiging ibon na ako
Lilipad hanggang maglaho sa dulo

Pag dating ng umaga
Ay sasakay sa daloy ng hangin
Agila na iikutin ang langit

Lumulutang lang ako
O kasama ang mga tala
Kumikinang
Nakakasilaw, buntala

Hinangin lang ang lahat
Naubos na ang mga luha na
Inipon dati pa

Pero pag dating ng gabi
Magiging ibon na ako
Lilipad hanggang maglaho sa dulo

Pag dating ng umaga
Ay sasakay sa daloy ng hangin
Agila na iikutin ang langit

Kabado sa ulan
Baka mabasa ang mga bagwis
At mahila pababa



Credits
Writer(s): Marion Talavera
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link