Minuto

Nakatayo ka lang
Tila nakatingin
Maramdaman kung meron bang
Himala pang darating
Konting oras pa
Kahit isang minuto lang
Magpapaliwanag lang sayo

Iisipin na lang ito'y kathang isip
Naghihintay sa isa pang
Pag sulyap mong kay tamis
Isang yakap pa
Kahit isang minuto lang
Ipaparamdam ko lang sayo

Di namalayan na ika'y nawala
Nagsawa na sa'king pananalita
At sa paggising
Tuluyan na ngang mag-isa

Sana lahat ay panaginip na lang
Binuhay mo ang apoy sa'king isipan
Kailan ko makikita ang 'yong liwanag

Natapon na lahat ng sandali
Paano na tayo hanggang huli
Ano bang dapat gawin
Makasama kang muli

Di namalayan na ika'y nawala
Di namalayan na ika'y nawala

Sana lahat ay panaginip na lang
Binuhay mo ang apoy sa'king isipan
Kailan ko makikita ang 'yong liwanag

Nakatayo ka lang
Tila nakatingin
Maibabalik pa ba ang dating sa'tin



Credits
Writer(s): John Robert Calingo, Justin Levi Nudalo, Maritoni Soriano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link