Bigla-Bigla - From "Becky and Badette"

Bigla-bigla, may kung anong
Kumalabog sa dibdib ko
Parang may lungkot at halong kirot
'Di maintindihan
Naiinggit ba sa iyo
O nagseselos sa kanya?
Litung-lito ang puso ko
Iniibig na ba kita?

Dati-rati, tayo lang
'Sanggang-dikit, 'lang iwanan
Pero ngayon, meron nang iba
At mahal na mahal mo siya
'Di ko alam kung bakit ba
Para bang sasabog na
Sumisigaw ang puso ko
Ako na lang sana?

Whoa-ooh-whoa?
Whoa-ooh-whoa, uh-oh!
Litung-lito ang puso ko-woah

Bigla-bigla, lahat nagbago
Mahal na ba kita nang higit sa kaibigan?
Nagpapanggap lang naman nu'ng una
Ngayon parang totohanan na
Ano bang ibig sabihin nitong nadarama?

Whoa-ooh-whoa?
Whoa-ooh-whoa, uh-oh!
Litung-lito ang puso ko-woah
Oh! Whoa-ooh-whoa?
Whoa-ooh-whoa, uh-oh!
Umiibig na ba sa 'yo?



Credits
Writer(s): Teresa Barrozo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link