Bituing Walang Ningning

Kung minsan ang pangarap
Habang buhay itong hinahanap
Bakit nga ba nakapagtataka
Pag ito ay nakamtan mo na
Bakit may kulang pa
Mga bituing aking narating
Ngunit langit ko pa rin ang iyong piling
Kapag tayong dalawa'y naging isa
Kahit na ilang laksang bituin
Di kayang pantayan ating ningning
Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal
Hayaang magtakpan ng kinang na di magtatagal
Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning
Kung kapalit nito'y walang paglaho mong pagtingin
Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal
Limutin nang mapaglarong kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon ako'y bituing walang ningning
Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig

Nagkukubli sa liwanag at kislap ng ating pag-ibig

Credits
Writer(s): Willy Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link