Balik-Balikan

Gusto kong balikan ang nakaraan
Pagka't naubusan na ng dahilan
Para makita kang muli
Lagi kong tinititigan
Larawang masaya
Sana maipinta muli
Ang iyong nadarama

At binabalik-balikan
Inuulit lang iyong pangalan
Para lang kahit pa-minsan
Maalala mong may nag-aabang

Kailan ba darating
Pagkakataon sakin?
Pagka't ang dating gawi
Ay nagaabang sa dulo ng labi
Ngunit di ko pa rin
Mapagkakait
Na ang tanging hiling
Ay makapiling ka lagi

At binabalik-balikan
Inuulit lang iyong pangalan
Para lang kahit pa-minsan
Maalala mong may nag-aabang



Credits
Writer(s): Alyssa Pagaduan, Jude Daluz, Kyle Tesalona, Michael Abogado
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link