Cold Heartz

Gusto ko lang ulit matutong magmahal
Gusto ko lang ulit matutong sumugal
Iba din kasi dating 'pag natural
Matagal na nung huli
Kong naramdaman
Gusto ko lang ulit matutong magmahal
Gusto ko lang ulit matutong sumugal
Iba din kasi dating 'pag natural
Matagal na nung huli
Kong naramdaman

Daming nangyari kaya malamig
Ang puso
'Di ko alam kung totoo
Pa ba na puro
Minsan may maling daan
Na nakaturo
Daming beses gusto ko
Na rin sumuko
Tingin sa salamin
Tanong, kilala mo pa ba 'ko?
Maling sistema sana 'di
Tayo binago
Pwera biro miss ko
Rin yung dating ako
Pero 'di ako nagsising
Ganto na 'ko
Alam kong dami kong mali
Patuloy na nagbabawi
Wala rin namang madali
Tao rin tayo parehas
Pagkasapit ng gabi, yeah
'Di mo masisi
Kung bakit sarili ko na ang pinipili
Wala naman sumalo nung
Nasa bingit ng kalungkutan
Sarili ko lang sa gilid
Kung sakaling dumating
Na nga ang araw
Nakatingin pa rin ako
Sa bulalakaw
Legasiya na walang makakaagaw
Ginawa ko ang lahat
Bago pumanaw

Gusto ko lang ulit matutong magmahal
Gusto ko lang ulit matutong sumugal
Iba din kasi dating 'pag natural
Matagal na nung huli
Kong naramdaman
Gusto ko lang ulit matutong magmahal
Gusto ko lang ulit matutong sumugal
Iba din kasi dating 'pag natural
Matagal na nung huli
Kong naramdaman



Credits
Writer(s): Edward Nicole G. Dela Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link