Isa Dalawa Tatlo

Kakaiba naman talaga
Ang aking nadarama kapag kapiling ka
Oh, anong kaba
Para bang natataranta, napapatulala

Hindi ko mapigilan
Ako'y natitigilan, oh baby
Kapag nasisilayan ang iyong mga mata
Na nawawala sa tuwing lumiligaya ka

Isa, dalawa, tatlo, nabihag mo ang puso ko, yeah
Ang puso ko, yeah
Pagbilang ng tatlo, bubuwelo lang ako, titiyempo
May aaminin na nga 'ko sa 'yo

Lutang bahagya, hindi ko makakaila
Takot kasi ako na mapahiya
'Di na bale, 'di na bale, magbabakasakali na lang
Kahit na maraming hadlang pa ang ating pagdaanan

'Di ko na kaya pang pigilin (pigilin)
Gustong-gusto ko na 'tong sabihin sa 'yo (sa 'yo)
Ngunit ako'y biglang nasilaw ng iyong mga mata
Na nawawala sa tuwing lumiligaya ka

Isa, dalawa, tatlo, nabihag mo ang puso ko, yeah
Ang puso ko, yeah
Pagbilang ng tatlo, bubuwelo lang ako, titiyempo
May aaminin na nga 'ko sa 'yo

Sana'y mapagbigyan ang nadarama
Ikaw ang natatanging hiling
Ngayong nand'yan ka na, 'di na magpapaligoy-ligoy pa
Oh, sasabihin ko na

Isa, dalawa, tatlo, nabihag mo ang puso ko, yeah
Ang puso ko, yeah (itong puso ko)
Pagbilang ng tatlo, bubuwelo lang ako, titiyempo (ooh)
May aaminin na nga 'ko

Isa, dalawa, tatlo, nabihag mo ang puso ko, yeah
Ang puso ko, yeah
Pagbilang ng tatlo, bubuwelo lang ako, titiyempo
May aaminin na nga 'ko sa 'yo



Credits
Writer(s): Charles Emmanuele Rodriguez, John Paul Soliva
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link