INAY

Ikaw ang unang nagturo
Kung paano'ng magmahal
Bago pa man isinilang
Ako'y iyo nang inalagaan
Simple lang ang 'yong kaligayahan
Sapat na'ng ako'y mapagmasdan

Mula pa noong pagkabata
Pangalan mo'y aking gabay
Mga salitang 'di nagkulang
'Di kailanman pinabayaan
Paano nga ba masusuklian?
Sapat na ba'ng pangakong 'di iiwan?

Ika'y nagbibigay liwanag
Inay, damdamin ay panatag
Sa kalagitnaan, sa dulo, at simula
Kasama ka

Sa kabila ng mga kamalian
Pag-ibig mo'y laging ramdam
Dahil sa 'yong pag-alalay
Walang 'di kaya sa buhay
Hindi man laging nababanggit
Mahal kita't saksi ang buong langit

Ika'y nagbibigay liwanag
Inay, damdamin ay panatag
Sa kalagitnaan, sa dulo, at simula
Kasama ka, oh

La-la-ra-ra-ra-ra-ra-ra
La-ra-ra-ra-ra, ra-ra
La-ra-ra-ra-ra, ra-ra
La-ra-ra-ra-ra-ra-ra

Ika'y nagbibigay liwanag
Inay, damdamin ay panatag
Sa kalagitnaan, sa dulo, at simula
Kasama ka, oh, inay

La-la-ra-ra-ra, ra-ra-ra
La-ra-ra, ra-ra, ra-ra



Credits
Writer(s): Keiko Necesario
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link