Dati

Heto nakatulala
O, naghihintay pa
Umaasa pang babalik
Naghihintay pa rin sayong halik

O, bakit di makawala
Sa pangakong naukit
Bilang nalang ang mga araw
Na hindi ka na isip-isip, O

Pilit umaalis, kumakawala
Ngunit ikaw lagi ang nakikita

Sana 'di nalang nangyari
Inubos mong lahat ng sa akin
'Di ko na makita'ng sarili
Pwede bang ibalik dati?

Da-ra-da-da-da-dati
Da-ra-da-da-da-dati
Da-ra-da-da-da-dati

Pwede bang ibalik sa dati?

Kung ayaw mo na
Sana 'di na sumugal pa
Sa laro ng pag-ibig
Suntok sa buwan kung magwawagi

Pilit umaalis, kumakawala
Ngunit ikaw lagi ang nakikita

Sana 'di nalang nangyari
Inubos mong lahat sa akin
'Di ko na makita'ng sarili
Pwede bang ibalik dati?

'Di na babalik ang dati
Pagmamahal 'di nanatili
Hindi ko na mahanap sarili
Pwede bang ibalik sa dati?

Pilit umaalis
Gustong kumawala
Ngunit ikaw, ikaw palagi
Ang isip ko sinta

Sana 'di nalang nangyari
Inubos mong lahat sa akin
'Di ko na makita'ng sarili
Pwede bang ibalik dati?
(Pwede bang ibalik sa dati?)

Da-ra-da-da-da-dati
(O, ang dati)
Da-ra-da-da-da-dati
(Dati)
Da-ra-da-da-da-dati

Pwede bang ibalik sa
Ahhh



Credits
Writer(s): Bas Xerxes Bakker, Jameson Tenorio, Arthur Miguel Quimpo, Anna Marie Ala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link