Misteryoso

Oh, eto ka na naman, umiiwas ng tingin
Laging nakatanaw sa mga tala't nakadungaw sa bintana
Kailan mo ba magagawang
Italiwas sa dilim ang natatanging kagandahang
Nababalot ng hiwagang humalina sa akin
Kahit na ika'y hindi ko maintindihan?

Nais masilayan ang iyong mga matang puno ng lihim at ng kislap
Mananatili na nga lang bang isang estranghero
O pagbibigyan ang puso kong natotorete sa 'yo?

Hindi alam kung bakit ba 'ko nabighani sa iyo
Hindi alam kung bakit ba gan'to, kahit na alam kong
Mukhang wala rin naman itong patutunguhan
At kahit pa ilaan lahat ng oras sa 'yo
Hindi titigil hanggang ako na ang dahilan
Ng 'yong ngiting misteryoso

Oh, araw-araw na lang
Akong bumubulong sa hangin (ha)
Ilang awit pa ba ang isusulat?
Wala na bang hangganan?
Kailan mo ba mapapansin?

Nais masilayan ang iyong mga matang puno ng lihim at ng kislap
Mananatili na nga lang bang isang estranghero
O pagbibigyan ang puso kong natotorete sa 'yo?

Hindi alam kung bakit ba 'ko nabighani sa iyo
Hindi alam kung bakit ba gan'to, kahit na alam kong
Mukhang wala rin naman itong patutunguhan
Kahit pa ilaan lahat ng oras sa 'yo
Hindi titigil hanggang ako na ang dahilan
Ng 'yong ngiting misteryoso

Mga mata'y nagkatagpo habang naglalaban ang hiwaga ng liwanag at ng dilim
Ngayong biglang napagtanto na ikaw na rin pala ay narahuyo
'Di maipaliwanag kung bakit nabighani sa iyo
Walang rason, walang "pero," basta ito ay totoo

'Di akalaing makakapiling ko ang isang katulad mo
Tila isang engkantong laging hinahanap-hanap ko
Oh giliw, tanging ikaw ang patutunguhan
Kahit pa salungat ang aking oras sa 'yo
'Di makapaniwalang ako na ang dahilan
Ng 'yong ngiting misteryoso

Da-ram, da-ra-ra-ram
Misteryoso
Oh, oh
Misteryoso



Credits
Writer(s): Gian Bernardino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link